SI NELYA (Attorney At Law Part 8)

..

Maingat na ipinarada ni Arnie ang bagong-bago nyang motorsiklo sa tabi ng patahian. Pinadalhan siya ng kapatid nya na seaman ng pera na pang-down payment sa pinangarap na motorsiklo. Dalawang taon na ang nakakaraan, ng magtapos siya sa senior high, at kumuha siya ng vocational course sa pagmemekaniko ng mga industrial sewing machines. Ito ang napili nyang bokasyon, dahil pakiramdam nya ay hindi naman pumapasok sa ulo nya ang mga pinag-aaralan nya. Mas mabilis na naiintindihan nya ang pagkumpuni ng mga sirang makina, kaysa magbasa ng makakapal na pahina ng aklat, na hindi naman nya nauunawaan ang binabasa nya.

 

Freelancer siya na industrial mechanic. Nagtitext lang sa kanya o kaya ay tumatawag sa kanya ang kanyang mga customer pag kailangan ang serbisyo nya. At dahil mura siyang sumingil at mahusay naman nyang naaayos ang mga itinatawag sa kanyang mga sirang makina, ay marami naman siyang mga naging suki na maliliit na patahian, na hindi kayang magbayad ng regular na mekaniko.

Pagpasok pa lang nya sa loob ng patahian, agad napako ang kanyang atensyon sa babae na nakatayo sa gilid ng isang makina, at nagbibilang ng tahi. Kakaiba ang naramdaman ni Arnie. Sa edad nyang bente anyos, noon lang siya nakadama ng gayung damdamin. Akit na akit siya sa hitsura ng babae. Maputi ito, pangkaraniwan ang tangkad, at proportion a...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow