Ang Aking Pamilya at Iba Pa Chapter 4: Si Julia, ang naanakan part 1
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
PS: All characters are above 18 years old.
==========
Habang papalapit kami ni aya sa may bahay namin ay napansin ko agad ung tila ba umpukan doon. Nakita ko ung kaibigan namin na matandang lalaki at pati na rin ung isang babaeng utility ng kalapit na paupahan na tila ba nag-uusap sila.
Ng nasa may tapat na kami ng bahay ay doon ko lamang napansin ang isang babae na may hawak na bata na kasama nila. Napatingin ako kay aya tsaka naman ito napalingon doon.
“ beep!!beep!!” ang mabilis na bumisina ko at tsaka ako bumaba ng sasakyan ko. Nagkatitigan kami dalawa ng babaeng iyon. Tila ba hindi ako makapagsalita ng makita ko ang taong hindi ko expected na makita.
“ anong ginagawa mo dito?” ang malakas at matapang na sigaw ng aking kapatid na si aya. Ang sweet at malambing na boses nito ay tila ba naglaho ng parang bula.
“ gusto ko makausap ka adrian” ang sagot ng babae sa tanong ng aking kapatid pero ako ang sinasabihan niya at hindi nito pinapansin si aya ng mga sandaling iyon.
“ iho… sa loob niyo na pag-usapan yan…..” ang sabi ng matandang lalaki sa amin dahil sa naglalabasan na din ung ibang mga kapitbahay namin sa lakas ng boses ng dalawa ngayon.
Kaya naman agad ko binuksan ung gate namin at hinila ko papasok si aya. Mukha kasing susugurin na nito ung babaeng bigla na lamang lumitaw sa aming buhay...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





